Eto na po by request hehehe
Tibok Tibok version pala ito ng Maja Blanca na originally a Kapampangan recipe
Mga ingredients po
• 3 1/2 cup coconut milk
• 3 1/2 cup while milk
• 1 cup sugar
• 1 cup cornstarch
• dayap o lime peel
• 1/2 tsp salt
• topping: 3 1/2 cup coconut milk
Unahin muna natin lutuin yun toppings/ or yun latik correct me po kun mali ako ng tawag.
Pakuluin yun coconut milk. Haluin ng madalas hanggang maging buo buo na sya na kulay brown.
Set aside muna natin sya.
Kuha tayo ng preferred natin na container or serving tray. Pahiran natin ng oil mula dun sa ginawa nating toppings.
Pakuluin na natin yun coconut milk at saka yun whole milk. Isama na natin yun asukal at yun dayap.
Pag kumulo na alisin na natin yun dayap o lime peel. Hinaan na natin yun apoy.
Pagkatapos ihalo na natin yun cornstarch wag natin hintuan ng halo hanggang maging malapot na yun mixture.
Ibuhos na natin ito sa serving plate natin
Palamigin at pag nag set na ilagay na natin yun toppings
Madali lan diba
Try natin.. Comment kayo kun naging success ang luto natin ha
Enjoy!!
Image source: Pinterest
Comments
Post a Comment