Filipino Style Macaroon

Mas gusto ko tong macaroon na to pag bite size lan sya yun tipong isang buo kasya sa bibig mo and for sure babalik at babalik ka ulit.
Ang gusto ko sa kanya di matamis and yun coconut taste ang nagpaunique sa dessert na to.
Matatry ko din lahat to soon maluto 😊

Recipe and image from angsarap.net

Kailangan natin ng:  

• 4 na itlog
• 1 tsp vanilla extract
• 1/2 brown sugar
•1/2 cup room temperature butter
• 400 grams desiccated coconut
• 400 grams condensed milk

Pre heat muna  natin yun oven 180 degrees

Gamitan natin ng hand mixer haluin natin yun butter and sugar hanggang maging light and fluffy.

Idagdag natin yun condensed milk at saka yun itlog

Isunod natin isama yun desiccated coconut hanggang maincorporate natin lahat yun ingredients

Ilipat natin sa maliliit na muffin tins na may nakalagay na paper cups.

Bake lan natin from 25-30 minutes till mag golden brown na yun ibabaw

Palamigin muna bago iserve

Enjoy!! 

Comments