Kababayan Recipe

Ewan ko ha 80's baby ako so di ko sure kun anong era tlg eto nauso😂😂
Pero ang sarap nito yun isang supot bibilhin mo sa tindahan at isang sumpakan yun isa... di makasalita kasi punong puno bibig mo..
Ginagawa ko pa noon e uumpisahan ko kagatin sa ilalim para yun tuktok lan ng sumbrero ang matitira hehehe.. nakakatuwa tlg maalala ito...di ko alam kun may gumagawa pa o may nabibili pa nito ha
Anyway maitry minsan kun same lasa din
Balitaan nyo ako kun natry nyo na ha!
 
Image from pinterest


Kailangan lan ay:

•1  1/2 cup all purpose flour
• 2 itlog
• 3/4 cup na brown sugar
• 3/4 cup milk
• 2 tbsp baking powder
• 1/2 tsp salt
• 1/2 tsp baking soda
• 2 tbsp vanilla extract
• 1/2 cup cooking oil

Pre heat muna natin yun oven 350 degrees

Haluin muna yun mga dry ingredients: flour, sugar, baking powder, baking soda, salt

Tapos sa ibang bowl paghaluin din natin yung eggs, milk, oil at vanilla extract tapos ibuhos natin sa dry mixture natin.

Igrease natin yun muffin pan natin para di dumikit

Iscoop natin yun mixture natin sa muffin pan hanggang kalahati lan kasi aalsa pa sya

Ibake lan ng mga 15-20 mins hanggang nagbrown na yun ibabaw ng konti or pag tinusok natin ng toothpick e wala ng sasamang mixture

Yakang yaka diba

Try nyo! Comment nyo sa ibaba kun masarap ha!!


Comments